Mga Dapat Tandaan Sa Inuman
--------------------------------------------------------------------------------
Galing sa Forum ng CNAG...
Para sa kaalaman ng lahat.
Etiquette sa inuman- basahin at matuto Sa inuman:
1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
"Dibale ng magtagal sa k**s at s*s* wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera
Sa Pulutuan:
1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.
Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom
Asal sa Mesa:
1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.
Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.
After ng Inuman:
1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.
Suka Tips:
1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.
Tanggero Tips:
1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng:
tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.
Sa Mga Manginginom:
1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema-
Mabuhay ang mga manginginom!!! Inuman na!!!~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~